Move On

With translation to the English language by novelist Gina Apostol

Kinaladkad nilang lahat ang pamilya Marcos palabas ng Palasyo sa Maynila. Kitang-kita ko lahat ng ginawa nila at buong-buo pa rin sa akin kahit tatlong dekada na ang nagdaan. Hinawakan sa buhok ang mga babaeng Marcos habang ginuguyod palabas ng pintuan. Ang matandang Marcos, nang masilayan nila na nagtatago sa likod ng dambuhalang pintuan na gawa sa nara, pinaulanan kaagad ng ilang suntok, sipa hanggang sa sumirit ang dugo sa gilid ng kanyang mga mata. Siguro ganito ang karahasan: wala nang salita. Dahil habang binubugbog nila ang matandang Marcos, walang nagsasalita sa kanila, ni nagmumura. Tahimik ang kanilang mga bibig habang nandadahas ang kanilang mga kamay. Labaha. Labaha ang ginamit nila para gilitan ang bawat kasapi ng angkan pati ang mga bata. Ang lupit, ang dahas. Nagkalat ang dugo sa mga marmol na sahig ng Palasyo dahil hindi na nila natiis ang galit na habang ginuguyod ang mga kasapi ng angkan ay pinagpapaslang na nila ito na parang mga manok. Makalipas ang isang oras, tumambad sa madla ang mga katawan ng buong pamilya Marcos, isinampay nila ang mga bangkay sa harap ng Palasyo, nakalambitin sa mga alulod. Sumisigaw ang lahat ng kalayaan habang nakatanaw sa mga bangkay. Nakita ako ni Berto at lumapit sa akin. Niyakap niya ako, mahigpit na mahigpit. Humahagulgol siya na parang bata at paulit-ulit niyang sinasabi na malaya na tayo, babalik na ako sa amin sa Tacloban. Lumapit ang Katolikong Kardinal sa mga bangkay pero hinarang siya isang lalaki. Kitang-kita ko ang lahat, ang lalaki at ang Kardinal. Itinaas ng lalaki ang kanang kamay niya sa mukha ng Katolikong Kardinal, napansin ko na nagliliwanag ang kanyang kamay. May hawak ang lalaki. Labaha. Lumapit ako sa dalawa. Pero hindi ganoon kalapit dahil nakakatakot ang lalaki, nangingnginig ang kanyang kamay sa galit, sa poot sa harap ng Kardinal. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit at narinig ko ang kanyang mga salita, babala: “Putang ina mo, Kardinal, huwag kang magkakamali ng hakbang. Isinabit namin ang mga bangkay ng mga Marcos bilang babala sa lahat ng mga pamilya at apelyido na matagal nang nagpapatakbo ng aming mga buhay: na gagawin namin ito nang paulit-ulit, sa kahit na anong panahon bigyan lang kami ng pagkakataon. Matakot kayo sa aming mga galit.” At kitang-kita ko ang takot sa mga mata ng Kardinal habang nakatingin sa dulo ng duguang labaha. Nakakatakot ang rebolusyon na iyon, ang dilim, ang dahas, pinaslang nilang lahat ang angkan pati ang mga inosenteng bata. Sana ay hindi na iyon maulit at manatili na ang ganitong maayos na buhay ng mga mamamayan sa atin na may dignidad bilang mga tao. Nakakatakot.

They dragged the family Marcos out of the Palace in Manila. I saw everything they did and I see it all even now though three decades have passed. They held the Marcos women by the hair as they hauled their bodies through the door. When they saw the old Marcos hiding behind the giant door made of narra, they rained punches on him, kicked him until blood dripped through the slits of his eyes. Maybe this is violence: the lack of speech. Because no one spoke as they beat up the old Marcos, not a single curse. Their mouths were silent as their hands attacked. Razors. They used razors that slit each member of the clan including the children. So cruel, so fierce. Blood spread on the marble floors of the Palace because no longer able to bear their rage as they hauled them out they began to hack them as if they were chickens. After an hour all the bodies of the family Marcos were exposed for the crowd to see, they hung the corpses in front of the Palace, dangling from the drainpipes. The crowd screamed out freedom! as they looked at the corpses. Berto saw me and came up to me. He held me tight. He was sobbing like a child, he kept repeating we are free, we are free and I can go home now, to Tacloban. The Catholic Cardinal approached the bodies but a man stopped him. I saw it all, the man and the Cardinal. The man raised his right hand to the Cardinal’s face, I saw his hand was shining. The man held something. A razor. I approached them. But not too close because the man was scary, his hand was shaking from rage, his hate before the Cardinal. His eyes were glaring, and I heard his words, his warning: “Son of a whore, Cardinal, don’t make a wrong move. We hung the bodies of the family Marcos as a warning to all families and names that have run our lives: that we will do this again, just give us a chance, at any moment we’ll take it. You should fear our rage.” And I saw the Cardinal’s fear as he stared at the bloody razor’s edge. That revolution was so scary, so dark, so fierce, they slew them all including the innocent children. I hope it never happens again and that we remain citizens living in human dignity as we are now. So scary.

About the translator. Gina Apostol is the author of the novels Gun Dealers’ Daughter, The Revolution According to Raymundo Mata, Insurrecto, and Bibliolepsy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.